NILINAW | Kontrata sa pagitan ng Nayong Pilipino at Landing Resorts, tuloy pa rin – DOJ

70

Manila, Philippines – Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na bagaman at may ginagawang pagsusuri ang DOJ at Office of the Government Corporate Counsel o OGCC kaugnay ng kontratang pinasok ng Nayong Pilipino Foundation sa Landing Resorts Philippines Development Corporation ay tuloy pa rin ang Nayon-landing project.

Ayon kay Guevarra, kahit sinibak ng Pangulong Duterte ang lahat ng board ng Nayong Pilipino Foundation, tuloy pa rin ang proyekto sa Nayong Pilipino sa Pasay City dahil balido naman ang lease agreement nila.

Nauna ng iniutos ni Secretary Guevarra kay OGCC OIC Atty. Elpidio Vega na busisiin ang pinasok na kontrata ng Nayong Pilipino Foundation sa Landing Resorts Philippines Development Corporation dahil sa hindi ito paborable sa pamahalaan.

Facebook Comments