NILINAW | Lifestyle check sa mga pari, regular namang ginagawa

Manila, Philippines – Hindi na bago sa mga pari ang lifestyle check.

Sa katunayan, regular na raw itong ginagawa sa kanilang hanay.

Ito ang nilinaw ng Chairman for Episcopal Commission on Seminaries na si
Bishop Gerardo Alminaza sa interview ng RMN sa kanya.


Ayon sa Obispo, ipinagdiriwang ng simbahang katoliko ang Year of the Clergy
ngayong taon kaya’t nagpaalala lamang siya sa mga kasama niyang pari
kaugnay sa pagkakaraoon ng simpleng pamumuhay.

Matatandaang, naging mainit na issue noon ang pagtanggap ng ilang paring
katoliko ng mga luxury cars mula sa PCSO na binansagan pa ngang
“mitsu-bishop” at “sapari”.

Para maiwasan na maulit ito, sinabi ni Alminaza na nagkakaron ng pastoral
visit o pagbisita sa mga pari na naka-destino sa mga parokya.

At kapag may nakita malabis sa kanilang istilo ng pamumuhay ay agad silang
pinagsasabihan.

Facebook Comments