NILINAW | Malacañan, itinangging may kinalaman sa pulitika ang pagbawi ng amnesty kay Trillanes

Hindi pamumulitika ang pagbawi sa amnesty ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ito ang nilinaw ng Malacañang makaraang sabihin ni Trillanes na kaso ng political persecution ang pagpapawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang amnestiya.

Sa press briefing sa Israel, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinatutupad lang ng Pangulo ang batas.


Samantala, nilinaw din ni Roque na si Trillanes lang ang sakop ng inilabas na proclamation 572 ng pangulo.

Bibigyan naman aniya ng pagkakataon ang Senador na ihayag ang kanyang panig sa korte.

Facebook Comments