NILINAW | Malacañang, klinaro na walang tinatagong sakit si Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nilinaw ng MalacaƱang na walang tinatagong sakit si Pangulong Rodrigo Duterte matapos magpamedical check-up isang araw bago ang SONA nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkaroon lang ng routine check-up lang ang Pangulo.

Aniya, walang tinatago ang Pangulo kaugnay sa kaniyang kalusugan.


Sa ilalim ng Saligang Batas, kailangang ipaalam ng Pangulo sa publiko ang estado ng kaniyang kalusugan kung may sakit ito.

Dati nang kinumpirma ni Duterte na mayroon itong Buerger’s Disease, Barrett’s Esophagus at problema sa gulugod dahil sa motorcycle accident.

Facebook Comments