NILINAW | Malacañang, wala pang posisyon hinggil sa posibilidad ng pagdedeklara ng holiday ceasefire sa NPA

Manila, Philippines – Hindi pa masabi ngayon ng Palasyo ng Malacañang kung magdedeklara ba si Pangulong Rodrigo Duterte ng ceasefire sa New Peoples Army (NPA) ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Chief Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, posible ito sa mga mapag-uusapan sa gaganaping cabinet meeting mamaya dito sa Malacañang.

Ito ang pahayag ng Malacañang matapos sabihin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi siya pabor sa pagkakaroon ng ceasefire sa mga rebelde.


Pero sinabi nito na ang mas magandang magkaroon ay permanenting tigil putukan sa pagitan ng mga rebelde at pamahalaan upang matigil na ang patayan sa bansa.

Matatandaan na Disyembre 24 noong 2017 hanggang January 2 ngayong taon ay idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Suspension of Military Operations o SOMO sa rebeldeng komunista.

Facebook Comments