NILINAW | Mga party sa Boracay, hindi ipinagbabawal ng DENR

Aklan – Nilinaw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi tuluyang ipinagbawal ang pagsasagawa ng party sa Boracay island.

Ayon kay DENR Undersecretary Sherwin Rigor – maaari pa rin namang magsagawa ng party at iba pang beach activities basta’t ito ay gagawin sa loob ng establisyimento o malayo sa baybayin.

Ito ay maprotektahan at mapanatilihing maganda at malinis ang tubig at buhangin ng tourist destination.


Ilan sa mga ipinagbabawal itayo sa baybaying pasok sa 25.5 meter-easement area ay ang stage, lamesa, upuan, massage beds, payong souvenir shops at food stalls.

Tatanggalin rin ang ilang nakakabit na electric lights at wires.

Epektibo ang polisiya sa white beach stations 1, 2 at 3 maging ang Puka, Ilig-iligan at Bulabog beach.

Facebook Comments