Ayon kay Philippine Army Spokerspeson Lieutenant Colonel Ramon Zagala – mga luma at unclassified data lang naman ang nakuha ng mga hacking group na Pinoy Lulzsec partikular ang listahan ng mga sumali sa Scout Ranger Force mula 1950 hanggang 2004.
Tiniyak ni Zagala na secured ang Philippine Army Network at walang nakompromiso sa kanilang existing website.
Sa ngayon aniya, iniimbestigahan na ng kanilang network enterprise technology battalion ang insidente para matukoy kung sino ang nasa likod nito.
Samantala, sa interview ng RMN Manila, kinumpirma rin ni Information and Communications Technology Acting Secretary Eliseo Rio na enero pa nangyari ang umano’y data breach.
Gayunpaman, nagkasa na rin ng imbestigasyon ang kanilang Cybersecurity Bureau lalo’t mga personal data pa rin ng mga miyembro ng army ang napasok ng mga hacker.
Matatandaang April 1 nang mapabalita ang umano’y April fool hacking incident sa website ng Philippine Army kung saan naapektuhan ang impormasyon ng nasa 20,000 sundalo.
Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ukol dito ang National Privacy Commission o NPC.