Isa patay sa naganap na sunog sa Muntinlupa

Kinumpirma ng Muntinlupa Fire station na isa ang patay sa naganap na sunog sa isang warehouse sa Brgy Potatan Muntinlupa City.

 

Ayon kay Muntinlupa City Fire Marshal Supt Bernard Rosete, nagsimula ang sunog kaninang alas 7:07 ng umaga at agad naapula ganap na alas 8 ng umaga.

 

Nabatid na sa loob ng palikuran ng warehouse nakita ang bangkay ng biktima.


 

Paliwanag ni Supt Rosete posibleng inakala ng biktima na makakaligtas sya sa sunog kapag nagtago sa cr.

 

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima dahil ito ay beyond recognition na.

Facebook Comments