NILINAW | P-Duterte, nagsalita na kaugnay sa pangingitim ng kanyang mukha

Nagsalita na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pangingitim ng kanyang mukha.

Kasunod na rin ng viral video sa social media makaraang sabihin ni Communist Party of the Philippines founding Chairman Jose Maria Sison na ang kulay ng mukha ng Pangulo ay palatandaan na mayroon siyang malalang sakit.

Sa kanyang pagdalo sa 12th anniversary ng Eastern Mindanao Command sa Davao City ay natatawang sinabi ng Pangulo na kumagat sa kanyang bitag si Sison.


Ayon ka Pangulong Duterte, napagkatuwaan umano niyang biruin si Sison sa pagsasabing mayroon siyang cancer at may problema na rin ang kanyang kidney kaya ganoon ang kulay ng kanyang mukha.

Alam umano niyang makakarating ito kay Sison at hindi nga siya nagkamali dahil makalipas lamang ang ilang araw ay inilabay na ito ng lider ng komunistang grupo sa kanyang facebook accounts.

Nilinaw ng Pangulo na kaya sunog ang kulay ng kanyang mukha ay dahil sa madalas niyang pagpunta sa mga lalawigan.

Facebook Comments