NILINAW | Pagbubunyag ng “Red October”, hindi bahagi ng plano para magdeklara ng Nationwide Martial Law – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police na walang kinalaman sa kanilang pagdedesisyon para mgdeklara ng Nationwide Martial Law ang kanilang isiniwalat Red October.

Pahayag ito ni PNP Spokesman Police Chief Supt. Benigno Durana sa akusasyon ni Vice President Leni Robredo na kinukundisyon lang ng pamahalaan ang utak ng mga mamamayan sa pagpapalutang ng banta ng “Red October”.

Giit ng Vice President ito ay preparasyon para sa umano’y plano ng gubyerno na magdeklara ng Nationwide Martial Law.


Sinabi naman ni Durana na ang AFP at ang PNP mismo ang nagsasabi na ayaw nila sa Nationwide Martial Law.

Wala kasi aniya silang nakikitang dahilan para ipatupad sa buong bansa ang batas militar, dahil hindi ito naakma sa umiiral na economic at political conditions.

Una nang sinabi ng militar na “Red October” ay plano ng mga komunista na patalsikin ang pangulo sa pamamagitan pakikipag-alyansa sa mga iba pang kalaban ng pamahanan para maglunsad ng “people power” kontra sa administrasyon.

Facebook Comments