Manila, Philippines – Walang kinalaman ang pagdating sa bansa ng us aircraft Carrier USS Carl Vinson, sa isyu ng Benham rise na ngayon ay kilala bilang Philippine rise.
Ito ang binigyang diin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag niton nananatiling maganda ang relasyon ng Pilipinas sa China.
Sa kabila ito ng ginawang pagpapangalan ng China sa limang undersea features sa Philippine Rise na sa sakop ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Una nang sinabi ng kalihim na hindi problema kung ano man ang ipangalan ng China sa mga naturang undersea features basta’t ginagalang nila ang soberenya ng Pilipinas.
Sa isang press release ng US embassy sa Manila, inanunsyo ang pagbisita sa bansa ng USS Carl Vinson, isa sa pinaka-tanyag na aircraft carriers ng Estados Unidos na nag-ooperate sa Indo-pacific region.
Ayon sa US embassy, ang pagbisita ay bahagi ng routine maritime operations, pag-promote ng freedom of navigation, at pakikipagtulungan sa mga kaalyado sa pag-sulong ng seguridad at katatagan sa rehiyion.