Nilinaw ng Department of National Defense na ang pagkakasibak sa dalawang opisyal ng Armed Forces of the Philippines ay resulta ng isinagawang internal investigation ng DND at AFP.
Ito ay matapos na tanggalin sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte at ipasailalim sa court martial ang 20 Military officials kabilang na sina Brig. gen.Edwin Leo Torrelavega, ang commander ng AFP health Service command at col Antonio punzalan ang commander ng V Luna Medical Center, Chief ng Management and Fiscal Office at Logistic Office ng AFP Health Service Command dahil sa umano ay pagkakasangkot sa korapsyon.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, na bukod sa DND at AFP may imbestigasyon rin ginawa ang Presidential Anti-Corruption Commission.
Nakakalungkot ayon kay Lorenzana na nadiskubre ang anomalya sa panahong buo ang tiwala ng taong bayan sa hanay ng AFP.
Pagtiyak ni Lorenzana na hindi kinokonsinte ng DND ang ganitong mga katiwalian sa AFP at DND.
Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon sa natuklasang anomalya.
Kaugnay nito sinabi rin ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na tatlong buwang o Mula buwan ng Mayo hangang ngayong Agosto ang ginawang pagtatrabaho ng AFP intelligence units bago nadiskubre ang 1.5 billion pesos ghost deliveries sa V Luna Medical Center.
Sa gagawin aniyang court martial proceedings bibigyan ng pagkakataon ang mga sinibak na opisyal na ipagtannggol ang kanilang sarili.
Pagtiyak ni Galvez hindi kokonsintihin ng AFP ang korapsyon sa kanilang hanay.