Manila, Philippines – Hindi haharangin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya ng pamahalaan na magpapa-deport sa mga illegal Chinese workers dito sa Pilipinas.
Ayon kay Pangulong Duterte, pabor siya sa hakbang ng mga tanggapan ng Pamahalaan pero dapat mag-ingat ang mga ito sa paraan ng deportation.
Paliwanag ng Pangulo, kung binabanatan natin ang China dahil sa pagpunta dito sa Pilipinas upang magtrabaho ay hindi dapat kalimutan ba mayroon ding mga Pilipinong ganito din ang ginagawa sa ibang bansa hindi lang sa China.
Marami aniyang Pinoy sa China pero sa kabutihang palad at wala pa namang pinade-deport.
Kaya sinabi naman ng Pangulo na ito ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng kasunduan upang maiwasang lumala ang sitwasyon na makakaapekto sa relasyon ng Pilipinas at China.
Batay sa impormasyon ay aabot sa 52,000 Intsik ang pumasok sa bansa bilang mga turista pero nabigyan ng working permit para magtrabaho sa mga online gambling casino.