NILINAW | Pagsuspinde sa 2019 excise tax sa langis, hindi dahil sa pulitika – DOF

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Department of Finance na walang kulay pulitika ang maagang paganunsiyo ng Pamahalaan sa pagsususpinde ng paniningil ng excise tax sa mga produktong petrolyo para sa 2019.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na ang pakay na anunsiyo ng Malacañang ay upang hindi magkaroon ng market speculation na pangunahing dahilan kung bakit tumataas ang presyo ng langis sa merkado.

Binigyang diin ni Lambino na mahalaga na ngayon pa lamang ay alam na ng publiko na sususpindihin ng Pamahalaan ang paniningil sa excise tax upang maging kampanate ang kalooban ng lahat sa usapin.


Pero base naman aniya sa kanilang pagtingin ay hindi nila nakikitang babagsak sa threshold sa presyo ng langis sa world market o mas mababa pa sa 80 dollars kada bariles hanggang desyembre na nakasaad sa TRAIN Law.
Ito ang sinabi ng Department of Finance sa harap narin ng obserbasyon na baka ginagamit lang ng pamahalaan ang issue para mapabango ang mga kandidato sa ilalim ng admimnistrayon para sa 2019 midterm elections.

Facebook Comments