NILINAW | Pagtuturo ng wikang Koreano, hindi papalitan ang Filipino subject – DepEd

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na ang pagtuturo ng wikang Koreano sa ilang paaralan ay hindi papalitan ang Filipino subject.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang pag-aaral ng Korean language ay elective lamang at hindi bahagi ng core subjects ng nasa 700 mag-aaral ng 10 piling junior high schools sa National Capital Region (NCR).

Bukod sa Korean language class, ituturo rin ang wikang Kastila (Spanish), Pranses (French), Aleman (German), Intsik (Chinese) at Nihonggo (Japanese) sa lahat ng public schools.


Ang Filipino at Panitikan ay mananatili at hindi papalitan dahil bahagi ito ng basic education curriculum.

Ang medium of instruction para sa subject na Araling Panlipunan at edukasyon sa pagpapakatao ay Filipino.

Una nang sinabi ng DepEd na ang mga estudyanteng magaling sa Filipino at English ang makukwalipika na kumuha ng Korean language class elective.

Facebook Comments