NILINAW | Pahayag ni PRRD na handa siyang protektahan ng China, binigyan linaw ng Palasyo

29

Manila, Philippines – Nagbigay-linaw ang Malacañang kaugnay sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang protektahan ng China mula sa sinumang magtatangka magpatalsik sa kanya.

Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque – Talagang may mga dayuhang kumakalaban sa Pangulo lalong lalo na ang mga “puti”.

At sakaling magtangka nga sila na patalsikin si Pangulong Duterte, ibig sabihin lang aniya nito ay maaasahan niya ang tulong ng mga kaalyado niya sa Asya.

Kasabay nito, nilinaw ni Roque na wala namang natatanggap na seryosong ang Pangulo mula sa mga dayuhan.

Facebook Comments