Manila, Philippines – Nagpaliwanag ang Bureau of Immigration (BI) kasunod ng reklamong panghihingi nito ng sandamakmak na requirements sa mga pasahero ng Clark International Airport.
Kamakailan kasi nang mag-viral ang facebook post ng isang Kuya Jack kung saan ilang kaibigan niya na papunta sana sa Hong Kong para sa kanilang travel tour ang hindi natuloy matapos silang hanapan ng napakaraming requirements.
Kabilang dito ang ID company, certification of employment, certification of approved leave of absence with ID, pay slip, SSS static record, business or mayor’s permit, previous and latest ITR, bank certificate with weighted average of savings at hotel accomodation with proof of payment.
Sa interview naman ng DZXL 558 kay B.I. Spokesperson Dana Sandoval, alinsunod ito sa inilabas na memorandum order ng Department of Justice (DOJ) noon pang 2015.
Aniya, supporting documents ang mga ito na hinihingi sa isang pasahero oras na hindi niya mapatuyan ang kanyang purpose of travel.
Layon nito na mapigilan ang anumang kaso ng human trafficking at illegal recruitment.
Pagmamalaki pa ni Sandoval, simula nang ipatupad ito bumaba ang insidente ng humang trafficking sa bansa.