NILINAW! | PCUP, hindi pinabubuwag; Pero mga commissioner, sisibakin!

Manila, Philippines – Nagbigay-linaw ang Malacañang kaugnay sa nauna nitong anunsyo na pagpapabuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque – hindi ia-abolish ang buong Komisyon kundi sisibakin lang ang mga commissioner nito dahil sa korapsyon.

Partikular na binanggit ni Roque ang pagkakasangkot ng mga hindi pinangalanang opisyal sa mga junket na biyahe sa abroad.


Base sa website ng PCUP, kabilang sa mga commissioner nito sina Dr. Joan Arango Lagunda, Dr. Melissa Avanceña Aradanas, Manuel L. Sierra Jr. at Noe B. Indonto.

Ang PCUP ay pinamumunuan ni dating Kabataan party list Rep. Terry Ridon.

Facebook Comments