NILINAW | Plano na tanggalan ng taripa ang fishery at agriculture products walang masamang epekto sa mga magsasaka at mangingisda

Manila, Philippines – Nilinaw ni 2nd District Albay Representative Joey Salceda na hindi maaapektuhan ang mga magsasaka at mangingisda kapag inalis ang taripa sa fishery at agriculture products sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Manila, sinabi ni Representative Salceda na ito umano ang pinakababang alternatibo paraan para bumaba ang inflation kapag tuluyang inalis ang taripa sa karne at isda.

Una nang nababahala ang mga mangingisda at magsasaka na kapag tinanggal umano ang taripa sa fishery at agricultural products may posibilidad anila na magkakaroon ng food shortage sa bansa.


Matatandaan na sinabi ni AGAP President Nicanor Briones na ang mungkahi ng kanilang grupo ay dapat ang alisin ay ang produkto ng langis at kuryente dahil maraming mga mamamayang mahihirap ang apektado rito na makikinabang kapag prayoridad ng mga mambabatas na magpasa ng panukalang batas na magtatanggal ng taripa ng naturang mga produkto.

Facebook Comments