NILINAW | PNP, hindi otorisado na magrekomenda na gawing ligal at gawing gamot ang marijuana sa bansa

Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na hindi mangagagaling sa kanila ang rekomendasyon para gawing gamot ang marijuana.

Paliwanag ni Albayalde, maari lamang silang magbigay ng inputs kaugnay sa aspeto ng enforcement na nakabatay aniya sa umiiral na batas.

Dagdag pa ng opisyal na ang mga payo at opinyon mula sa mga professional sa field of medicine partikular ang mga Doktor mula sa Department of Health ang dapat na manguna sa pagrerekomenda para gawing gamot ang marijuana.


Sa ngayon aniya, hangga’t hindi naisasabatas ang panukalang gawin gamot ang marijuana, mananatili ang kanilang pagaresto sa mga maaktuhang gumagamit nito bilang paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs act of 2012.

Facebook Comments