Manila, Philippines – Dinipensahan ng Philippine National Police (PNP) si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng mga alegasyong nakikialam ito sa panloob na pamamalakad ng police organization.
Ito ay kasunod ng utos ni Pangulong Duterte na ibalik si Chief Inspector Jovie Espenido sa Ozamiz City.
Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Benigno Durana, hindi kailanman pinakiki-alaman ng Pangulo ang anumang malalaki at maliliit na gawain sa loob ng pambansang pulisya.
Gayunman, bilang commander in chief ng AFP at PNP, sinabi ni Durana na may karapatan ang Pangulo ng bansa na mamili ng mga pulis na nais niyang italaga sa puwesto lalo at kung ito ang hiling sa kaniya ng taumbayan.
Facebook Comments