NILINAW | Quo Warranto Petition ng SolGen laban kay CJ Sereno, may batayan

Manila, Philippines – Nilinaw ni Atty. Manuelito Luna abogado ng VACC na mayroong batayan ang Quo Warranto Petition ng Solicitor General laban kay SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil kuwestionable umano ang pagiging Punong Mahistrado nito sa Korte Suprema.

Sa ginanap na Presscon sa Manila, sinabi ni Atty. Luna na natutuwa siya sa desisyon ng Korte Suprema na pinagkokomento si Chief Justice Sereno sa loob ng sampung araw simula nang matanggap ang reklamo ng Solicitor General laban sa Punong Mahistrado.

Paliwanag ni Atty. Luna mayroong batayan ang inireklamong kaso ng SolGen laban kay Sereno at ang Quo Warranto Petition umano ay balido dahil kinukwestyon nila ang legalidad ng appointment ng Punong Mahistrado at ang kalaban umano nito ay hindi ang mga Mahistrado ng Supreme Court at mga mambabatas kundi ang Republika ng Pilipinas.


Giit ni Luna hindi nagsumite ng kinakailangang sampung taon SALN si Sereno bago siya mag apply ng Chief Justice ng Korte Suprema na malinaw umanong panlilinlang sa Sambayanang Filipino.

Facebook Comments