NILINAW | Sen. Trillanes, hindi ikinostudiya ni Senate President Sotto

2536

Manila, Philippines – Nilinaw ni Senate President Tito Sotto III na hindi naman niya literal na ikokostudiya si Senator Antonio Trillanes IV pero ayaw nyang gawin ang pag-aresto dito sa loob ng gusali ng Senado.

Hakbang ito ng liderato ng Senado kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang bisa ang amnesty na ipinagkaloob kay Trillanes ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Paliwanag ni Sotto, bilang pagrespeto sa Senado bilang institusyon ay inutusan niya ang Senate sergeant at arms na huwag papayag na arestuhin si Trillanes sa loob ng senado, pero hindi na nila kontrolado kapag siya ay lumabas.

Sabi ni Sotto, ang kanyang pasya ay bunga ng konsultasyon na ginawa niya sa mga kasamahang Senador pero pinag-uusapan nila ngayon sa caucus ang mga limitasyon.

Facebook Comments