Pagkadakip ng Mag-asawang Lider ng NPA sa Cagayan, Isang Malaking Dagok Ayon sa Commanding General ng 5th ID!

*Cauayan City, Isabela- Isa umanong m*alaking dagok sa organisasyon ng New People’s Army (NPA) ang pagkakadakip ng kanilang dalawang matataas na lider na sina Edison Culasing Erese at asawa nitong si Divina Manuel Erese maging ang mga gamit na nakumpiska ng mga otoridad makaraang masakote sa Sitio Nagtapulan, Brgy. Naguillan, Camiguin Island, Calayan, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major General Perfecto Rimando Jr., ang Commanding General ng 5th Infantry Division, Philippine Army nakipagtulungan umano ang kanyang grupo sa mga otoridad upang madakip ang mag-asawang NPA na may patung-patong na kasong kinakaharap.

Aniya, si Edison Erese umano ang pumalit sa napatay kamakailan na si Tisoro na secretary ng West Committee Front ng Northern Front Committee sa Tarlac at kagaya lamang umano niya si Jose Maria Sison na nagagawang manduhan ang kanyang mga miyembro kahit nasa malayong lugar ito at maaaring mayroon din silang sapat na kagamitan sa komunikasyon at sa pakikidigma.


Kaugnay nito ay malaki ang kanilang pagpapahalaga sa mga ibinibigay na impormasyon at kooperasyon ng mga mamamayan upang mahuli at mapasuko ang mga makakaliwang grupo.

Patuloy pa rin ang kanilang maigting na pagbabantay sa mga lugar upang masiguro ang seguridad at katahimikan ng isang lugar.

Facebook Comments