NILINAW | Social Media, hindi pa saklaw ng advertising regulation ng COMELEC para sa mga kandidato

Manila, Philippines – Nilinaw ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi saklaw ang social media sa kanilang advertising regulation para sa mga kandidato.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – hindi kasama sa karaniwang pinapatawan ng campaign ad limits ang social media.

Pero tututukan nila ang mga sponsored at boosted post na nangangampanya sa isang kandidato o political party.


Ang mga boosted at sponsored posts ay papatawan ng karampatang limitasyon na siyang isinasapinal ngayon ng komisyon.

Magsisimula sa February 12 hanggang sa May 11 2019 ang campaign period para sa mga tumatakbong senador at kinatawan ng mga partylist groups.

Mula March 30 hanggang May 11, 2019 ang para naman sa mga local candidates kasama na ang mga kandidato sa pagka-kongresista.

Ipapatupad naman ang campaign ban sa March 28 hanggang 29 dahil sa paggunita ng semana santa.

Facebook Comments