TINIYAK | Pagbibitiw ng ilang gabinete na tatakbo sa 2019 election, walang magiging epekto sa pamahalaan – Malacañang

129

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na walang magiging epekto sa pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte nakatakdang pagbibitiw ng ilang miyembro ng gabinete na tatakbo sa 2019 midterm elections.

Kabilang sa mga ito ay sina Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, cabinet sec. Jun evasco at political affairs adviser Francis Tolentino.

Ayon kay Presidential Spokesperson, Concurrent Chief Legal Counsel Salvador Panelo – napakaraming pwedeng ipalit sa magbibitiw na opisyal mula sa mgagaling na mga Pilipino.

Iginiit ni Panelo na kahit buong gabinete ang magbibitiw, walang problema at agad itong mapapalitan.

Facebook Comments