Manila, Philippines – Nilinaw ng Social Security System (SSS) na wala silang petsang ibinigay kung kailan maipalalabas ang dagdag na P1,000 para sa pensioners nito.
Ayon kay SSS CEO and President Emmanuel Dooc, maibibigay ito sa tamang panahon kapag nagkaroon na rin ng sapat na pondo ang ahensiya.
Aniya, kung ipipilit kasi ang P1,000 dagdag pensyon ay tatagal na lang hanggang pitong taon ang pondo ng SSS.
Sa taya ng SSS, kakailanganin nila ng dagdag na P2.3 bilyon para maibigay ang dagdag na P1,000 kada buwan sa mga miyembro nitong pensiyonado.
Kaya naman umaasa ang SSS na maitataas ang 11 porsiyentong contribution rate ng kanilang members.
Nanindigan naman si Dooc na hindi sila nagkukulang sa mga hakbang para matiyak ang koleksiyon ng kontribusyon mula sa mga miyembro.
Tiniyak rin ni Dooc na magsisimula na sila ngayong taon na magsagawa ng mga aksyong legal laban sa mga delingkuwenteng employers at miyembro.