UNANG ARAW | Muslim Holy Month of Ramadan, magsisimula na bukas

66

Simula na bukas, Mayo 17 ang banal na buwan ng Ramadan ng mga Muslim.

Ito ang inanunsyo ni Grand Mufti Abu Hureira Udasan sa Cotabato City Hall.

Hinimok naman ni Udasan ang mga kapwa Muslim na mas maging disiplinado sa pag-aayuno at matakot kay Allah para maging matatag sa pagharap sa mga hamon sa buhay.

Ang ramadan ang ika-siyam na buwan sa Islamic calendar na ginugunita ng mga Muslim bilang buwan ng pag-aayuno at pag-alala sa unang rebelasyon ng Quran sa propetang si Muhammad.

Facebook Comments