Manila, Philippines – Nilinaw ng Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na noon pa man ay maari nang i-refund ng mga OFW ang mga ibinayad nilang terminal fees.
Sa gitna ito ng panawagan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ibalik sa mga OFW ang ₱500 million na halaga ng terminal fees.
Iginiit naman ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio – karamihan sa mga nabanggit ni Bello ay hindi galing sa CAAP Airports.
Malaking porsyentong halagang nakolekta sa mga OFW ay galing sa mga malalaking paliparan gaya ng NAIA, Clark at Mactan.
Facebook Comments