Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Transportation (DOTr) na peke ang kumakalat ngayon sa internet na may high speed rail network system na konektado sa buong bansa.
Makikita sa post ni Jose Ramon Villanueva ang mapa ng Pilipinas at may nakaguhit na mga linya sa buong bansa.
Ito ang may caption na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat para mapahusay ang transportasyon sa Pilipinas.
Ayon kay DOTr Undersecretary Timothy Batan, peke ang nasabing post.
Pinakita naman ni Batan ang larawan ng tunay na riles na kanilang pinapagawa.
Natunton at inamin ng blogger na si Ramon Gonzales na siya ang unang nagpost ng nasabing larawan pero aniya ito ay kathang isip lang kung saan binigyang lamang ito ng maling kahulugan ng mga netizen.
Sa ngayon higit sa kalahating milyon na ang views ng nasabing fake news habang 7,000 na ang share nito.