NILINAW | VP Robredo, klinaro na walang plano ang LP na pabagsakin ang administrasyon

Manila, Philippines – Itinanggi ni Vice President Leni Robredo na may kinalaman ang Liberal Party (LP) sa planong destabilisasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni Robredo – na mismong siya ay tutol dito.

Iginiit ng bise presidente na wala silang planong pabagsakin ang administrasyon.


Ayon kay Robredo, pagod na ang mamamayan sa magulong pulitika.

Nabatid na pangungunahan ng LP at ni VP Robredo ang ilan sa mga programa ngayong araw kasabay ng ika-46 na taong anibersaryo ng deklarasyon ng martial law.

Facebook Comments