NILINIS | Ilang lugar sa Roxas Boulevard, wala ng nagtitinda na mga vendor

Manila, Philippines – Wala ng nagtitinda sa kahabaan ng Roxas Boulevard partikular na sa Baywalk maliban sa tinutumbok sa Quirino Avenue tapat ng ospital ng Maynila kung saan mayroon mga nagtitinda na mga vendor maging sa dulo Baywalk malapit sa US Embassy.

Una nang binantaan ng Manila City Government na araw-arawin nila ang pagsasagawa ng clearing operation sa Baywalk upang matiyak na wala ng nagtitinda na mga vendor sa lugar.

Ayon kay Manila PIO Spokesman Bambi Purisima, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng clearing operation hangga’t hindi mauubos ang mga pasaway na vendor na nagtitinda sa naturang lugar.


Facebook Comments