ROAD ALERT | Ilang kalsada sa Valenzuela, isasara

Manila, Philippines – Pansamantalang isasara sa mga motorista ang Tongco St. at G. Marcelo St. sa Valenzuela City mamayang alas 5 ng hapon.

Ito ay upang bigyang daan ang inagurasyon ng bagong Pamantasang Lungsod ng Valenzuela Campus sa Barangay Maysan.

Pinapayuhan ang mga maaapektuhang motorista na gamitin na lamang ang M. Antonio St. o dumaan sa F. Dela Cruz St. bilang mga alterbatibong ruta, upang di na maabala sa pagbiyahe.


Facebook Comments