NINANAIS | SGMA, gustong maupo bilang Finance Secretary – Sec. Diokno

Manila, Philippines – Isiniwalat ni Budget Secretary Benjamin Diokno na interesado si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na maging kalihim ng Department of Finance.

Sa Economic Briefing sa Malacañang ni Diokno ay sinabi nito na gusto ni Speaker Arroyo na palitan di Finance Secretary Sonny Dominguez pagkatapos ng kanyang termino bilang mambabatas.

Sinabi naman ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na wala siyang impormasyon ukol sa sinasabing plano ng dating Pangulo na pumasok sa gabinete ng Pangulo dahil hindi naman ito napaguusapan at ang kanyang alam ay magreretiro na si Speaker Arroyo sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino.


Pero sinabi din ni Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte lang ang makasasagot hinggil sa nasabing usapin.
Matatandaan na isang ekonomista si Speaker Arroyo at isa sa mga kinukunsulta ni Pangulong Duterte sa ilang mga usapin at maganda naman ang relasyon ng dalawa.

Facebook Comments