Manila, Philippines – Nirerespeto ng Department of Education (DepEd) ang anumang patakaran sa mga eskwelahan na may kaugnayan sa porma at pananamit ng mga estudyante.
Kasunod ito ng ginagawang paghihigpit ng ilang paaralan pagdating sa buhok ng mga lalake maging sa make up at uniporme ng mga babae.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary at Spokesperson Nepumoceno dapat sa murang edad pa lamang ay matuto na ang mga bata na maging presentable at maging maayos sa pananamit.
Bahagi din aniya ng disiplina ang pagsunod sa tamang tabas ng buhok at uniporme.
Paliwanag ni Nepumoceno, pasok ito sa subject na values education.
Kaya payo ng DepEd sa mga estudyante, wag kainisan sina ma’am at sir bagkus sundin na lamang ang mga simpleng alituntunin sa mga paaralan.