Manila, Philippines – Nirerespeto ni Senator Win Gatchalian ang posisyon ni Commission on Elections o Comelec Commissioner Rowena Guanzon laban sa kanyang panukala na pagmultahin ang mga nuisance candidate.
Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang mga opinyon ng Comelec commissioners para sa kanyang panukala na nagsusulong na pagmultahin ng 50,000 pesos ang mga kandidato na panggulo o nagti-trip lang.
Diin ni Gatchalian, ang Comelec din naman ang pangunahing makikinabang sa kanyang panukala.
Paliwanag ni Gatchalian, nasasayang lang ang oras at resources ng Comelec sa pagproseso sa Certificate of Candidacy o COC ng mga kandiatong nanggugulo lang.
Ipinunto ni Gatchalian, palaging napakalaki ang bilang ng mga naghahain ng COC kung saan marami din sa mga ito ay idinideklara ng Comelec na nuisance candidate at ang nais niya ay huwag ng umulit ang mga ito tuwing eleksyon.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>