NIRERESPETO | VACC, iginagalang ang pag-abswelto ng Sandiganbayan kay dating Senador Bong Revilla

79

Manila, Philippines – Nirerespeto ng Volunteers Against Crime and Corruption o VACC ang pag-abswelto ng Sandiganbayan First Division kay dating Senador Bong Revilla para sa kasong Plunder.

Ayon kay Boy Evangelista, tagapagsalita ng VACC, kuntento na sila kung sa tingin ng korte ay wala talagang sala si Revilla.

Iginagalang nila kung sa pagtimbang ng anti-graft court sa ebidensya ay hindi ito sa dating Senador .

Hustiya na rin na maituturing na-convict si Janet Lim Napoles na umanoy mastermind ng pork barrel scam at si Richard Cambe.

Patunay lamang ito aniya na gumagana ang justice system ng bansa.

Ayon pa sa VACC, magsilbi sanang babala ito sa iba pang opisyal ng pamahalaan.

Patuloy aniya silang magmamatyag upang masigurong wala nang mangyayaring anumang uri ng corruption sa gobyerno.

Facebook Comments