NBA | Jazz, pinabagsak ang Rockets, 118-91

23

Pinatikim ng Utah Jazz sa Houston Rockets ang 118-91 na panalo sa NBA.

Nagawa ng Jazz ang impresibong panalo kahit na-eject sa laro ang sentro nilang si Rudy Gobert wala pang tatlong minuto sa laro.

Nanguna sa scoring para sa Utah si Derrick Favors na may 24 points at 10 rebounds.

May kinse puntos naman si James Harden para sa Houston patuloy ang kamalasan sa liga.

Sa ibang laro, Nakabawi ang Boston Celtics sa New York Knicks, 128-100 at Panalo rin ang Portland Trailblazers sa malamyang Phoenix Suns, 108-86.

Facebook Comments