NIYANIG | 3 ang nasawi sa 6.0 magnitude na lindol sa Bali, Indonesia

Bali, Indonesia – Hindi pa man nakakabangon mula sa trahedya sa Sulawesi, niyanig na naman ng 6.0 magnitude na lindol ang Indonesia kaninang umaga.

Sa inisyal na ulat, tatlo ang kumpirmadong nasawi sa lindol sa Bali at East Java habang apat pa ang nasaktan.

May layong 157 kilometro ang sentro ng lindol sa isla ng Bali at may lalim ito na sampung kilometro.


Kasalukuyang ginaganap ngayon sa Bali ang meeting ng International Monetary Fund, World Bank at mga lider ng ibat-ibang bansa.

Naunang lumindol sa Sulawesi, Indonesia noong Setyembre 28 kung saan 2,045 ang kumpirmadong namatay habang daan-daang pa ang nawawala. Dahil sa lindol nagkaroon pa ng tsunami na rumagasa sa Palu City ng Sulawesi Island.

Facebook Comments