NIYANIG | Magnitude 3.2 na lindol tumama sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang karagatang sakop ng Hernani sa Eastern Samar, alas-12:56 ng hatinggabi.

Sa abiso ng Phivolcs, naganap ang pagyanig sa layong 80 kilometro hilagang-silangan ng nabaggit na bayan.

May lalim itong 24 na kilometro at tectonic ang pinagmulan.


Wala namang inaasahang anumang aftershocks o pagkasira sa ari-arian dahil sa pagyanig.

Wala rin naitalang intensities ang lindol.

Facebook Comments