NIYANIG | Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa mismong Kilauea volcano na kasalukuyang nag-aalburuto sa Hawaii

26

Hawaii – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Big Island, Hawaii.

Naitala ang sentro ng lindol sa mismong Kilauea volcano na kasalukuyang nag-aalburoto.

Tiniyak ng Pacific Tsunami Warning Center na nakabase naman din sa Hawaii na ang nasabing lindol ay hindi lilikha ng tsunami.

Nananatiling nakasara ngayon ang Volcano National Park, Kilauea military camp at isang hotel na nasa paanan ng bulkan dahil sa patuloy na pag-agos ng lava.

Facebook Comments