LUSOT NA | Panukalang batas na magbibigay ng mabigat na parusa sa mga mambabato ng mga sasakyan – lusot na sa huling pagbasa sa Kamara

30

Manila, Philippines – Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang magbibigay ng mabigat na parusa sa mga mambabato ng mga sasakyan.

Sa botong 171, pumabor at walang tumutol inaprubahan ang House Bill 7163 na ini-akda ni majority leader Rodolfo Fariñas.

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang mapapatunayang naghagis ng bato, bote, kahoy, bakal o anomang uri ng matigas na bagay sa isang sasakyan ay maaaring maharap sa dalawamput limang taong pagkakakulong.

Pagmumultahin din ng Php 100,000 pati civil liabilities kung ang insidente ay magreresulta ng kamatayan ng isang indibiduwal.

Limang taong kulong naman at Php 15,000 multa kung masusugatan ang sakay ng binatong sasakyan at sasagutin ng akusado ang gastusin sa pagpapagawa nito.

Facebook Comments