Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang New Zealand’s Capital Wellington ngayong Lunes ayon sa Government Seismic Monitor na GeoNet

May lalim na 46 kilometers ang pagyanig at 25 Kilometers Northwest ng Levin.

Wala namang nasirang kabahayan at nasaktang mamamayan sa nangyari.

Samantala, muling nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at mga libu-libong nagpoprotesta sa Hong Kong.


Ito ay bilang kanilang pagtutol sa muling pag-giit ng Beijing na ipatupad ang national security laws sa kanilang special administrative region.

Umabot pa ito sa pamamato ng mga tear gas kung saan aabot sa 120 ang naaresto ng Hong Kong police.

Kaugnay nito, nagpahayag rin ng pagtutol ang Estados Unidos sa plano ng China na ayon kay US Secretary of State Mike Pompeo ay mapipilitan silang magpataw ng sanctions kung mapapatunayang pinagbabantaan ng China na alisin otonomiya ng Hong Kong.

Facebook Comments