Surigao del Norte – Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang kanlurang bahagi ng Libjo, Surigao del Norte.
Naitala ang lindol bandang alas-7:56 kagabi at may lalim itong 22 kilometro.
Naitala ang intensity 5 sa Libjo, Surigao del Norte Surigao City; Guiuan, Mercedes at Salcedo sa Eastern Samar at San Jose, Dinagat Island.
Intensity 4 naman sa Carrascal at Cantilan, Surigao del Sur; Lawaan at Giporlos, General Macarthur, Llorente, Maydolong, San Julian, Eastern Samar; Butuan City; San Francisco, San Juan, Liloan at hinunangan sa Southern Leyte; Tolosa, Leyte; Placer at Mainit, Surigao del Norte at Rosario, Agusan del Sur.
Habang intensity III naman sa Baybay City, Dulag, Palo at Pastrana, Leyte; Borongan at Dolores, Eastern Samar; Gingoog, Misamis Oriental; Maasin at Sogod, Southern Leyte; at Tacloban City; San Miguel, Surigao del Sur; Iligan City; Cagdianao, Dinagat Islands.
Intensity II sa Hinatuan, Surigao del Sur; at Cagayan de Oro City; Oras, Eastern Samar; Camiguin Island.
Intensity I sa Dumaguete, Negros Oriental at Bislig City.
Sabi ng PHIVOLCS, wala namang naitalang pinsala pero asahan na ang aftershocks bunsod ng malakas na lindol.