Nagwagi kagabi sa PBA Governor’s Cup 2019 ang NLEX Road Warriors kontra TNT Katropa sa iskor na 126-113.
Bumida sa panalo ng laro si american Basketball Player Manny Harris na umiskor ng 40 puntos habang 16 points namay 13 assists si Kiefer Ravena at 15 points naman si Jericho Cruz.
Ikinatuwa naman ni NLEX Coach Yeng Guiao ang ipinakitang galing ng kanyang koponan kung saan, mayroon nang anim na panalo at isang talo sa nabanggit na laro.
Samantala, wagi rin sa PBA Governor’s Cup kahapon ang Columbian Dyip kontra Phoenix Pulse sa iskor na 106-104.
Nakaambag sa panalo ng koponan ang 30 points at 19 rebounds na naitala ni Khapri Alston habang 25 points at 8 rebounds si Cj Perez, 18 points at 6 rebounds naman ang naiambag ni Jackson Corpuz.
Ayon kay Columbian Coach Johnedel Cardel, malaking tulong para sa kanyang koponan na hindi mabaon sa standing ng PBA kung saan, nasa 4-4 win loss record na ang Dyip habang mayroon namang 2 panalo at anim na talo ang Phoenix Pulse.