NLEX toll hike, tiyak magpapataas lalo sa presyo ng pamasahe at mga produktong agrikultura

Mariing binatikos ni Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang inaprubahang pagtaas sa toll fee ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ang pagkondena ni Brosas ay kasunod ng anunsyo ng NLEX Corp. na nagbigay na ng awtorisasyon ang Toll Regulatory Board para sa ikalawang bugso ng periodic toll adjustments base sa kanilang 2018 at 2020 petitions.

This slideshow requires JavaScript.


Babala ni Brosas, ang nabanggit na NLEX toll hike ay tiyak magpapataas din sa pamasahe sa bus at sa presyo ng ibinabiyahe mula sa mga lalawigan na mga produktong agrikultura.

Diin ni Brosas, tiyak na magdudulot ito ng dagdag na pagdurusa sa publiko sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin at serbisyo.

Bunsod nito ay plano ni Brosas na maghain ng resolusyon na magsusulong ng imbestigasyon sa nabanggit na increase sa toll fee ng NLEX.

Facebook Comments