NCR mayors, magpupulong ukol sa vaccine slot sale

Nakatakdang magpulong ngayong linggo ang mga alkalde sa Metro Manila para talakayin ang mga naiuulat na pagbebenta ng bakuna o pag-aalok ng slots sa COVID-19 vaccination program.

Nabatid na hindi lalagpas sa 15,000 pesos ang ibinebentang bakuna, depende sa brand.

Ayon kay Metro Manila Council (MMC) Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pagbebenta ng COVID-19 vaccines ay ilegal lalo na at binili ng pamahalaan at libre sa lahat ng kwalipikadong mamamayan.


Binigyang diin ni Olivarez na hindi inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang marketing o pagbebenta ng COVID-19 doses.

Nagbabala si Olivarez na ang mga mahuhuling magbebenta ng COVID-19 vaccines ay papanagutin ng buo sa ilalim ng batas.

Facebook Comments