Manila, Philippines – Dumistansya si PNP deputy director General Ramon Apolinario sa isyu ng umano’y maagang pagreretiro ni PNP Chief Dir. General Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Apolinario, si Pangulong Rodrigo Duterte na ang magde-desisyon kaugnay sa isyung ito.
Sa ngayon, suportado lamang daw niya si Dela Rosa dahil sa pagiging masigasig sa trabaho.
Sinabi pa ni Apolinario na sa Enero pa ng susunod na taon magiging 56 si Dela Ros,a ang retiring age sa PNP.
Si Apolinario, ang number 2 man ng PNP na nakalinyang pumalit sa pwesto bilang PNP Chief kapag nagretiro si Dela Rosa sa serbisyo.
Facebook Comments