
Maaaring magpaopera ng katarata nang walang babayaran ang mga kwalipikadong miyembro ng PhilHealth sa Urdaneta Sacred Heart Hospital sa pamamagitan ng kanilang no balance billing program.
Sa ilalim ng programa, sakop ng tanggapan ang operasyon sa katarata kasama ang paglalagay ng monofocal lens at maging ang follow-up check-up ng pasiyente. Layunin nitong matulungan ang mga indibidwal na may problema sa paningin na makakuha ng kinakailangang gamutan nang hindi iniintindi ang gastusin.
Tumatanggap din ang ospital ng walk-in patients kaya hindi na kinakailangan ng appointment. Kinakailangan lamang na magdala ng PhilHealth ID upang maproseso ang pagpapagamot.
Isinasagawa ang konsultasyon at mga serbisyo sa Eye Center sa ikatlong palapag ng ospital, mula 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










