No browouts’, dapat mapanatili sa gitna ng COVID-19 crisis

Pinapatiyak ni Committee on Energy Chairman Senador Win Gatchalian sa mga nasa sektor ng enerhiya ang sapat na suplay ng kuryente habang patuloy na umiiral ang mahigpit na community quarantine status sa kabuuan ng bansa at umaarangkada ang COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Panawagan ito ni Gatchalian makaraang mabatid na nagkaroon ng forced power outages o biglaang pagsasara ng ilang planta sa Luzon.

Dahil dito, ay iminungkahi ni Gatchalian sa mga generation companies na ipagpaliban muna ang iba pang nakaplano ng maintenance shutdown sa mga darating na panahon kung maaari.


Dagdag pa Gatchalian, kadalasang mataas ang konsumo ng kuryente sa panahon ng summer at dahil dito ay lumiliit ang reserba kaya may mga pagkakataon na hindi sumasapat sa pangangailangan ng mga konsyumer.

Giit ni Gatchalian, hindi dapat maranasan ang pagkakaroon ng brownout dahil maaaring makompromiso ang bisa ng bakuna na dapat ay mapanatili ang pagkakaimbak sa malamig na storage facilities.

Paliwanag pa ni Gatchalian, mahalaga ang suplay ng kuryente para sa mga namamasukan, mga nasa gobyerno, nasa work-from-home scheme habang ang iba naman ay nasa distance learning o ‘di kaya ay nagsasagawa ng negosyo sa online habang patuloy na lumulobo ang mga bagong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments